Thursday, December 3, 2009

For the supporters of ASHRICH


here yung message ni chard for the supporters : ) credit to the teamgutierrez

Thursday, November 19, 2009

A love Story to Tell

Sana yan ang title ng movie nina Sarah at Richard

A love Story To Tell

Richard as Mark
Sarah as Gwen

Mark Anthony as Bryan
Bubbles Paraiso as Faye
Special Participation of Carla Abellana as Tracie

SEEN: CAMPUS

Mabilis ang sasakyan na dala ni Mark na ipapark sana na muntik na nya nahagip si Gwen.si gwen sa kabiglaan nahulog nya ang mga gamit at mabilis nya nilapitan ang lalaki na nagmamaneho sa sasakyan.
Gwen- hoy! ang yabang mo para ikaw ang may ari ng campus.
Nung binaba ni mark ang window nashock si gwen kasi ang campus crush nya pala ang napagsalitaan nya.para hindi napahiya biglang tinalikuran nya ito. si mark ay biglang ngumiti at pinakita ang magandang killer smile nya..
***** Ring Bell **************
pumasok si mark sa Engineering Department at sa Computer lab ay naligaw sya. kaya nalate na sya ng pasok. may isang upuan na bakante at iyon ay kay gwen.si gwen ay hindi mapakali sa kilig pero kailagan nya ipakita na inis pa sya kay mark.

To be continue:) hahahaha

Saturday, November 7, 2009

Follow Junlalin in the twitter

Happy si Richard Gutierrez sa suporta sa kanya ng Flawless na pag-aari ni Ms. Ruby Sy.

Sa lahat ng mga proyekto ni Richard ay supportive ang Flawless.
Para sa Patient X, nagbigay ng tatlong billboard ang Flawless.

“Very nice rin kasi si Richard sa Flawless. Kapag may promotions kami, palagi rin siyang nagpo-promote. Sa Picture Flawless Because You Deserve a Billboard promo nga namin, isinasabay ni Richard ang pagpo-promote ng pro*ject namin sa promo ng Patient X.

“We love Richard dahil mahal niya rin ang Flawless!” sey ni Francis Labora, marketing ma*nager ng Flawless.

Iyung Picture Flawless Because You Deserve a Billboard promo ay pa*tuloy pa rin.
Iyung P1,800 na mi*nimum purchase para maka-join sa promo na ito ay inababa na ng Flawless sa P800.
For details regar*ding this promotions, visit any Flawless branch nationwide.


For feedback, email junlalin@gmail.com

Nits

Nagkaroon pala ng international premiere ang horror movie ni Richard Gutierrez na Patient X sa American Film Market in Sta. Monica, Los Angeles, California.
Si direk Yam Laranas ang dumalo dahil hindi pwedeng umalis si Richard na busy na sa taping ng Pinoy adaptation ng romantic comedy Koreanovela na Full House. Simula noong Nov. 4 hanggang Nov. 11, dadaluhan ng mga film buyers ang said film market at umaasa ang GMA Films, Viva Films, at RGutz Productions ni Richard na magugustuhan ng mga film buyers ang kanilang pelikula.

Go ASHRICH



PANGARAP daw ni Sarah Geronimo na makapareha ang Papa Piolo ko.
At this stage of her career na blockbusters ang mga concert niya at pati mga pelikula niya ay nagbigay sa kanya ng “not once, but twice” na box-office queen, ano pa ang habol ni Sarah sa papa ko?
Uhummm, if I know may gusto kang tuklasin, lokah kah! Kasi, na-rate (hindi r-a-p-e, ha!) mo na si John Lloyd Cruz nang dalawang beses kaya curious ka naman sa taong binibigyan ng importansya pero hindi naman naibabalik ang importansyang ‘yun, ‘di kaya?

Kung baguhan sana si Sarah at star-gazing pa, I would understand her statement sa press.

Like all the rest who never made it, sina Aga Muhlach at Richard Gomez ang pangarap na makatambal ng gustong maging bida sa pelikula at feeling sikat na rin sila, where it used to be, where before Aga & Goma made it, it used to be a choice between Al Tantay & Lloyd Samartino, Gabby & William.

Hindi mo kailangan si Piolo, Sarah. Si Piolo ang may kailangan sa iyo ngayon -- very badly!

Kaya hintayin mo na lang ang good words niya para sa iyo and compare them to all the binokayong mga salita na pinakawalan niya sa lahat ng mga nakatambal na niya, except Juday!

Oras na makatambal ka ni Piolo, asahan mong lulubog ka na, Sarah! Mas mapapadali pa ang paglubog mo!

Check mo na lang ang mga nakapareha ni Piolo in the past na sinungkit niyang makatambal na akala niya eh magagamit niyang tuntungan.

Where is Angel Locsin now? Noong si Richard Gutierrez ang kapareha ni KC Concepcion, sumikat si KC. I cannot say the same now that Piolo is KC’s partner in Losers in Paris!

Mabuti na lang at nakikinig ka sa nagpapalakad ng career mo, iha. Huwag kang tutulad sa mga 90% ng mga nasa showbiz na akala, sa pagkakaroon ng lalake ang kaligayahan sa showbiz, kaya ang daming ginagawang hunting grounds ang showbiz.

Panlalalake o pamba*babae ang inaakala ng marami na paraan sa madaling pagsikat. Ganoon ba kadali umak*yat sa stairway to heaven?

Madalas kong ipangaral sa mga naging alaga ko na career muna ang pagbuhusan ng panahon to survive.

Pag sumikat ka na at marami ka nang raket, natural lang na kumikita ka na, puwede mo nang buhayin ang pamilya mo at matupad ang iba pang mga pangarap mo.

At kapag sikat ka na, gaano ka man kapangit o kataba, pipilahan ka ng mga lalakeng mapagsamantala at naghahangad na magamit ka.

Iyung mga wala nang ginawa kundi magpalit-palit ng lalake hanggang sa lumaki lang ang suso, at never ang pa*ngalan nila, subsob sila sa pagkakadapa and anonymity. Si Juday lang yata ang nakinig.

Sumikat muna si Juday bago niya pinili ang lala*king makakasama niya habang buhay. Pag nasa itaas ka na, wala nang makakatibag sa kinatutuntungan mo kundi ikaw rin. Kung aalagaan mo ang pundasyon mo, magtatagal ka sa itaas.

Nakikita ko sa iyo, Sarah, ang landas na tinahak din ni Juday.

Pareho kayong nagsimula sa pasimple pero ngayon ay patungo ka na sa pagiging outstanding beauty. Pati ako ay napapahanga na ng malaki na ang iginandang Sarah Geronimo.

Now I am very certain patungo ka na sa nilandas na tagumpay ni Juday.

Kaya pagsabihan mo ang mga lalakeng ‘yan na tumabi-tabi muna sila, tsupi muna sa kanila dahil patungo ka pa sa mas malawak na tagumpay at marami ka pang aanihin!

No BF muna, ha -- best friends, puwede; boyfriends, hindi puwede! Keep that in mind!
__________________

Friday, November 6, 2009

FANARTS



CREDIT TO JAMMY OF LLOYDFA.. GUYS SPREAD THE ASHRICH IN TWITTERWORLD AND FACEBOOK:)

Wednesday, November 4, 2009

Richard Sing w/ Sarah wat do you think?



may potential ang isang Richard Gutierrez na maging singer, lahat ng guesting nya sa SOP ay kumakanta sya at maganda ang boses nya ha, sana mag isip sya na e compile lahat ng mga kinanta nya sa mga guesting im sure marami ang matutuwa nyang fans. den help sa kanya si sarah sa duet waah kilig yun:).. sa video na ito maririnig mo ang hiyawan at wala kang makita sa video na ito na may nag uutos unlike sa ibang mga artista na kailangan pa utusan ang mga tao na sumigaw or pumalakpak. Sana ang GMA maging patas sila sa mga artista nila. kasi Sayang ang richard gutierrez kung pababayaan nila dapat ang gawin nila ay alagaan at sana yung GMA 7 tanggalin na ang mga executive na pinepersonal ang galit sa ibang talent kasi hindi karapat dapat ang ganun kataas ang posistion na pinepersonal nya. Sana yung president ng GMA ay magbawas na ng tao na hindi productive. Marami dyan na executive na patas yun ang bigyan nila ng pansin.hindi yung iba dyan na ginagamit ang power nya para makasira ng artista den nila. basta sa amin na ASHRICH GO Richard and Sarah.

Watching Youtube

Sana magkaroon ng movie sina richard at sarah like yung BFGF ni richard, itong movie na ito yung hindi nakakasawa kahit ilang ulit mo ulit ulitin maganda talaga sya. sana paging GMA at RGUTZ movie of sarah at richard..

Support Sarah on her Upcoming Concert

To all the fans of Richard and Sarah Known as ASHRICH - spread the Name and Shout at Araneta:) go go ..

We want them on Feb 2010..

During Tatakbo



iba talaga ang karisma ng isang Richard Gutierrez. Sa footage na ito na kahit saan sya magpunta talagang nangingibabaw sya sa ibang artista parang si sarah. kaya bagay talaga silang dalawa. ika nga Perfect Combination. katuwa ang mga ASHRICH..

Perfect Combintion Richard and Sarah